54

Oct 10, 2017 @ 11:38

Solenn at Nico, asaran nang asaran

MARAMI ang nagkuwento na bilib sila kay Solenn Heussaff dahil hindi siya napipikon kay Betong kapag inaasar siya sa taping nila ng All-Star Videoke, pero ayon sa misis ni Nico Bolzico, noong una pala, nagpapaalam pa sa kanya ang kanyang co-host bago siya asarin sa kanilang show.

Medyo takot daw kasi si Betong na baka mag-react at maasar siya rito, pero sinabihan pala niya noon ang co-host na sige lang, asarin lang siya nang asarin para tuluyan nang mabasag ang pagkailang nila sa isa’t isa.

Ngayon nga raw, natatawa na lang siya kasi sanay na sanay na ang Kapuso comedian na asarin siya sa kanilang taping.

“Ngayon, comfortable na siya sa pang-aasar sa akin at dahil hindi na siya nagpapaalam, nagugulat na lang ako at mas candid ‘yung reaction ko. Pero he’s really funny, kaya tawa lang ako nang tawa.

“Mas masaya nga sa taping namin dahil nakakatawa talaga ‘yung mga pang-aasar sa akin ni Betong,” kuwento ni Solenn.

Like Betong nga pala, funny rin ang mister ni Solenn na si Nico, kaya kapag nag-aasaran ang mag-asawa kapag nasa shoot naman sila ng mga proyektong pinagsasamahan nila, mas nagiging magaan at fun daw ang trabaho nila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?