47

Dec 20, 2017 @ 17:51
By

Solar-powered lamps, magliliwanag sa Marawi

Maaaring bago sumapit ang araw ng Pasko o bago ang pagpapalit ng taon ay liliwanag ang Marawi City.

Ito ay matapos magbigay ang Department of Energy (DOE) ng 400 solar-powered lamps sa Task Force Bangon Marawi at 131 solar-powered street lights sa Lanao del Sur Cooperative.

Sinabi ni Sec. Alfonso Cusi sa kanilang pagtataya gamit ang E-Power Marawi Unconventional Program, target nilang paganahin ang mga solar street lights sa mga Transitional Shelter Sites at Main Battle Area bago ang Disyembre 25.

Aniya, ito ang kanilang maiaambag sa mga hakbangin na pasayahin ang mga Maranao matapos ang limang buwan na digmaan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at teroristang Maute.

Pagtitiyak pa nito, palagi silang nakaalalay para sa pagbangon ng lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?