71

Sep 26, 2017 @ 14:07

Solano pwedeng maging state witness — Lacson

Maari umanong ikonsiderang state witness si John Paul Solano, suspek sa pagkamatay ng University of Santo Tomas law student Horacio “Atio” Castillo III subalit depende ito sa magiging desisyon ng awtoridad, ayon kay Sen Panfilo Ping Lacson

“Siyempre yan ang kanyang hahangarin (maging state witness) pero di naman yan sa mga investigating officers na i-decide,” pahayag ni Lacson sa panayam sa himpilang dzBB kahapon.

“Pero ang pag-discharge di hawak ng prosecutor kundi husgado magsasabi na pwede siya ma-discharge as state witness from an accused,” sabi pa ng senador.

Si Solano, primary suspect sa pagkamatay ni Castillo, ay sumuko kay Lacson noong Biyernes at inaasahang dadalo sa pagdinig ng Senado ngayong araw, Lunes.

Sabi ni Lacson, nangako si Solano na sabihin ang lahat ng kanyang nalalaman kaugnay ng pagkamatay ni Castillo sa hazing. Nauna nang itinanggi ni Solano ang kanyang partisipasyon sa hazing na isinagawa ng Aegis Juris fraternity kay Castillo.

Bukod kay Solano, imbitado din sa pagdinig ng Senado ang iba pang miyembro ng nasabing fraternity.

Samantala, sinabi ni Lacson “call” diumano ni Solano kung i-invoke ni Solano ang “right vs self-incrimination” sa pagdinig ng Senado lalo na’t inaasahang isasailalim din ito ngayong Lunes ng umaga sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?