60

Oct 25, 2017 @ 13:10

Solano ginagago ang buong Pilipinas – Zubiri

Nanggaliiti si Senador Juan Miguel Zubiri sa pahayag ni John Paul Solano na namatay si dating UST student na si Horatio “Atio” Castillo III sa sakit sa puso at hindi sa hazing.

Sabi ng senador, ang pahayag ni Solano, isa sa mga pangunahing suspek sa pagkamatay ni Castillo ay pagpapatunay lang na ginago niya ang buong bansa dahil sa kanyang mga kasinugalingan.

“Ngayon naman ay hindi na ang Senado ang ginagago ni Solano kundi ginagago niya na ang buong Pilipinas,” galit na pahayag ni Zubiri.

Kung may sakit man sa puso Castillo bago ito sumali sa fraternity, na itinatanggi na ng mga magulang nito, sinabi ni Zubiri na maliwanag na nagpapalusot lamang si Solano at mga kapwa nito myembro ng Aegis Juris fraternity.

Idiniin na kitang-kita naman sa bangkay ni Castillo na dumanas itong matinding bugbog.

“So how can they explain the discoloration of the body due to massive hematoma? How can they dispute the medico-legal finding of DNA of Atio on the paddle used by the Aegis Juris Fratmen of which is illegal to use under the Anti-hazing Law?” diin ni Zubiri.

Malaking kabastusan aniya sa pamilya ni Castillo at sa sambayanan ang pinagsasabi ni Solano.

Malabo umano ang argumentong may sakit sa puso si Castillo dahil ito ay football player ng Colegio San Agustin.

Nararapat umano itong sampahan ng mga kasong perjury, obstruction of justice at pakikipagsabawatan sa hazing. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?