42

Jan 22, 2021 @ 21:34
By

Sol Mercado nganga sa PBA team

Umaasa si dating Ginebra guard Sol Mercado na mabubuhay muli ang basketball career niya matapos alatin noong 2020 Philippine Cup.

Naghahanap ngayon si Mercado ng bagong team na handang kunin ang serbisyo niya.

Bumagsak na unrestricted free agent si Mercado matapos hindi makaselyo ng deal sa Phoenix.

Kinuha siya ng Phoenix mula sa NorthPort kapalit nina LA Revilla at Rey Guevarra sa pagtatapos ng 2019 Governors’ Cup.

Gusto sana niyang maglaro noong huling conference pero tila huli na nang malaman ng mga team na free agent na siya.

“I think teams found out too late [that I was a free agent],” pahayag niya sa PBA website.

“By that time they had full rosters already,” dagdag niya.

Si Mercado, 36, ay naging fifth overall pick ng 2008 Rookie Draft.

Naging player siya ng Rain or Shine, Meralco, San Miguel, Barako Bull, Ginebra at Batang Pier.

Bahagi rin siya ng tatlong kampeonato ng Barangay Ginebra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?