ABANTE sol mercado ginebra king bw

Sol Mercado, balik-aksiyon sa Ginebra vs Blackwater

Sharing is caring!

Babalik na mula sa matagal na pagkakabangko si Sol Mercado sa panig ng Barangay Ginebra sa pagsagupa sa Blackwater Elite mamayang alas-siyete ng gabi, Enero 12, sa Mall of Asia Arena.

Lumiban sa mga laro ng Gin Kings ang beteranong manlalaro dahil sa pilay sa kaliwa niyang bukong-bukong na natamo sa pagtapal niya kay Jared Dillinger sa Game Four ng Governors’ Cup Finals ng nakaraang season.

Kasama nang nag-practice si Mercado sa kanyang koponan pero baka kaunting oras lamang siyang paglalaruin ni coach Tim Cone para hindi mabigla ang paa niya at magkaroon na rin ng kauntin ritmo sa mga kakampi niya.

Sa panayam ng Spin.ph, maga pa ang bukong-bukong nito at hindi raw kasi normal ang nangyari sa kanya na kinokonsiderang high-ankle sprain kaya’t matatagalan pa bago ito umimpis.

Sa kabila nito, maayos na naman umano ang pakiramdam niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?