636

Feb 10, 2018 @ 14:00
By

Softdrinks, malakas maka-diabetes

Alam n’yo ba na ang palagiang pag-inom ng softdrinks ay may mataas na tiyansang tumaas din ang blood sugar sa katawan at ang sakit na diabetes ang kahahantungan nito.

Hindi po ito pananakot kundi babala sa mga taong mahihilig uminom ng mga softdrinks.

Patuloy na tinatangkilik ng mga tao ang softdrinks sa kabila ng pagtaas ng presyo nito dahil sa TRAIN law.

Ito ay dahil umano masarap, refreshing at nakakaalis ng umay.

Kaya payo ng doktor at ng sinumang health conscious, iwasan ang pag-inom ng softdrinks kung maaari, dahil para sa kalusugan n’yo rin naman ang pinag-uusapan natin.

Alam n’yo ba na ang isang baso ng softdrinks ay may katumbas na pitong kutsaritang asukal.

Kung ayaw n’yong magkaroon ng diabetes, umiwas din sa pagkain ng ice cream, cake at mga sitsirya.

Maraming Pilipino ngayon ang nagkakaroon ng diabetes. Ito ang sakit kung saan tumataas ang blood sugar sa dugo at posibleng magkaroon ng mga komplikasyon sa puso, mata at bato.

Ayon sa pagsusuri ng National Heart, Lung, and Blood Institute sa Maryland, U.S.A..

May ilang paraan para makaiwas sa diabetes, isa na rito ang huwag magpataba. Subukan lang abutin ang tamang timbang. May tamang sukat para weight/height. Panindigan ito.

Iwasan o bawasan ang bisyo. Alam nating mahirap pero bawasan na lang nang pakonti-konti.

Subukang mag-ehersisyo. Konting stretching lang kung hindi naman kaya.

Piliin ang mga masustansiyang pagkain. Hindi naman masama ang pagkain ng gulay. Bukod sa masustansiya ay may taglay pa itong bitamina na kailangan ng katawan.

Mabisa rin ang okra sa mga may diabetes.

Kaya naman, maging matalino sa pagpili ng iyong kinakain dahil ikaw din ang mahihirapan kung wala kang disiplina sa katawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?