38

By

Sofia superstar sa Tacloban

Sharing is caring!

Superstar talaga si Sofia Gonzalez sa sarili niyang bayan dahil sa halos hindi na ito makakanta sa sobrang daming fans ang nakikipagkamayan, gustong humalik, humahablot at nagtitilian nang maging special guest ito sa entertainment night ng Sangyawan Festival 2018 na ginanap sa Balyuhan, Tacloban City noong isang gabi.

Siya ang pam-finale ng nasabing event kung saan naging special hosts naman ang mga katotong sina Ambet Nabus at Rey Pumaloy. Apat na kanta ang ipinarinig ng Viva contract star na puro original songs niya at very millennial ang tunog kaya marami sa mga kabataan sa audience ang naka-relate kaya join sila sa song & dance number ng anak nina Tacloban Mayor Cristina Gonzales-Romualdez at Alfred Romualdez.

All-out naman ang bagets sa kanyang performance na feel na feel niya ang kanyang ginagawa dahil ito talaga ang kanyang passion lalo na’t siya mismo ang nagsulat ng ibang kanta.

Walang tigil ang hiyawan ng mga utaw nang iparinig niya ang kanyang first single na Pikitmata pero nagkagulo na nang bumaba siya sa audience habang kinakanta niya ang second single niyang Thinkin’ Of You.

Tinatapos na ni Sofia ang kanyang album bago siya mag-full blast sa kanyang promo at pagiging isang recording artist. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?