1,466
views
ABANTE-TNT diego koyzaga sofia andres photo
By

Sofia nailang, kinabahan, namilipit sa nude photo scandal ni Diego

Sharing is caring!

Ninerbiyos si Sofia Andres sa tanong ng mga press tungkol sa paglabas ng selfie-nude photo ng rumored boyfriend nyang si Diego Loyzaga.

Isang mirror-reflected nude selfie photo ang lumabas sa socmed ni Diego na maihahalintulad sa aksidenteng lumabas rin noon sa IG ni Aaron Villena, kung saan sumilp ang kanyang junjun.

Namimilipit at ilang na ilang si Sofia na marinig ang tungkol sa sinasabing uploaded nude photo ni Diego sa panayam kasi ng press matapos ang media launch ng lalabas nilang movie nang aktor ang “Mama’s Girl” na pinagbibidahan ni Sylvia Sanchez.

Halatang hindi sanay si Sofia sa mga tanong tungkol sa mga nude scandal na maiintindihan naman dahil kilalang conservative ang young actress at never pa itong nag-poste sa social media nang mga sexy photos nya.

Hindi man sabihin ni Sofia, hindi nya kayang isipin na ang tinitingala niyang ka-love team ay sumasawsaw na rin sa social media scandal, kasi halos hindi makasagot ng diretso ang aktres.

Wala pa raw nakikitang kahit ano si Sofia sa nude scandal ni Diego at mukhang wala siyang balak na silipin ito.

Wala pang maisagot si Sofia sa kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang parents sa nude scandal ni Diego dahil ngayon pa lang raw nito nalaman ang isyu sa ka-love team.

Kung noon puwedeng ipagtanggol ni Sofia si Diego sa kinahaharap niyang controversy sa ama nitong si Cesar Montano, sa nude scandal nito wala raw siyang magagawa.

Si Diego na raw ang dapat kumausap sa kanyang parents para ipaliwanag ang isyu, kung magiging problema nga ito sa kanila.

Kung si Sofia ang tatanungin wala naman raw problema sa kanya kung may nude scandal si Diego dahil aksidente ang nangyari at choice rin naman nitong kunan ang sarili.

Iniisip na lang raw ni Sofia na parte nang na-adapt na Australian culture ni Diego ang pagiging liberated sa kanyang katawan.

May ipapakita naman raw na magandang physique si Diego kaya siguro naisip nitong kunan ang sarili.

Anyways, hindi naman ito ang tema nang pelikulang “Mama’s Girl” na prinudyus ng Regal Entertainment Inc.

Relasyon ng mag-ina ang babalasahin sa movie at ang love angle sa character nina Sofia at Diego.

Parang nag-advance screening si Mother lily para sa Mother’s Day sa tema nang pelikula.

Ipalalabas ito ngayong January 17 sa mga sinehan at dinirehe ito ni Connie S.A, Macatuno. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?