81
ABANTE sofia diego sofiego halikan
Jan 16, 2018 @ 17:42
By

Sofia-Diego sanay nang maghalikan

Artista na two-timer ang role ni Jameson Blake sa Mama’s Girl pero imbes na kainisan, tinilian at kinilig sa mga eksena niya ang manonood.

Ang mainit na pagtanggap kay Jameson ng audience ang isang senyales na malaki ang tsansa niya na sumikat at eventually, magbida sa mga pelikula at television series, kapag hindi nagbago ang magandang takbo ng kanyang kapalaran at kung hindi siya malulunod sa isang basong tubig.

Maganda ang build up ng direktor na si Connie Macatuno sa friendship ng mga karakter nina Sofia at Diego kaya malakas na hiyawan at palakpakan ang reaksyon ng mga dumalo sa Mama’s Girl premiere sa romantic at kissing scenes ng dalawa na hindi na bago dahil ginawa na nila ito sa Pusong Ligaw.

Ang wild reaction ng manonood sa mga eksena nina Diego at Sophia ang pruweba na may katotohanan ang pahayag ni Diego na may laban sa ibang mga loveteam ang Sofiego tandem nila ni Sofia. (Jojo Gabinete)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?