53

Feb 25, 2021 @ 20:26
By

Sofia Andres muntik mahablutan sa EDSA

Nanginig sa takot si actress Sofia Andres dahil sa muntikan na siyang mabiktima ng snatcher sa EDSA.

Sa mga series of post niya sa kanyang Instagram Stories, ikinuwento ng aktres ang nakakatakot na karanasan niya habang bumibiyahe sa EDSA, Miyerkoles ng gabi.

“We’re here at EDSA. Apparently, I was just like using my phone and the windows are open. Mayroong mga lalaki dito na nangunguha ng phone. Muntik nang makuha ‘yung phone ko,” sambit ni Sofia.

Kaya nagbabala siya sa mga motorista na mag-ingat.

“So be careful. Kaya ‘wag na kayong ma-open ng windows or anything. Grabe ang bilis niya! I got super scared,” dagdag niya.

Nilinaw naman niyang, “My window was just two inches open btw, they tried to get my phone while texting. Nipis ng arm niya infair. Sarap ipitin.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?