899

Oct 31, 2018 @ 17:27
By

Sofia Andres may bagong jowa?

Sino siya? Ito ang tanong ng mga follower ni Sofia Andres sa mga photo na pino-post niya sa kanyang Instagram.

Walang caption na inilagay si Sofia at mukhang hinayaan niya ang kanyang mga fan na manghula sa identity ng gwapong guy na kasama niya.

Pero nagbigay naman ng clue ang aktres dahil naka-tag sa kanyang post ang race car driver na si Daniel Miranda

Kung titingnan naman ang mga post ni Daniel sa kanyang IG, makikitang laman din nito si Sofia.

Sa isang photo, makikitang nakaakbay pa si Daniel kay Sofia at may caption na “I miss you.”

View this post on Instagram

I miss you.

A post shared by Daniel Miranda (@danielmirandaa_) on

At noong August binati niya pa si Sofia.

View this post on Instagram

Happy Birthday Sof ?

A post shared by Daniel Miranda (@danielmirandaa_) on

Sa reaksiyon naman ng mga follower ni Sofia, mukhang masaya sila sa relasyong ito ng kanilang idolo.

“Kilig to the bones”

“Totoo na talaga… love it…”

“Mas gwapo and super compatible”

Huling na-link si Sofia sa kanyang dating ka-love team na si Diego Loyzaga, pero tinanggi nilang pareho na may something sa kanila at diniing pang professional lang kanilang relasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?