125,936

Jan 7, 2022 @ 19:08
By

Sofia Andres mag-isang nag-New Year: ‘It’s not easy’

Malungkot ang pagpasok ng bagong taon ni Sofia Andres.

Mag-isa kasi niyang ipinagdiwang ang New Year matapos tamaan ng COVID-19.

“What a way to start 2022. I know it’s not easy spending New Year’s alone but we have more days & years ahead of us. Be strong,” aniya sa Instagram post.

Pinaalalahanan niya ang publiko na laging magsuot ng face mask, uminom ng vitamins at kumain ng masusustansiyang pagkain.

Matapos ang sampung araw ay negative na raw siya sa virus.

“After 10 days … finally I’m negative. Please wear your mask, be kind, drink your vitamins, eat healthy & love yourself,” saad pa ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?