43

By

Social welfare attache, dagdagan – Recto

Dapat umanong mag-hire pa ang gobyerno ng mas maraming social welfare attaches (SWAs) dahil meron lamang na isa kada 623,561 oversease Filipino – ang pinakamaliit sa employee-to-clientele ratio sa public service sa kasalukuyan.

Ayon kay Senate Pro Tempore Ralph Recto, may pitong SWAs lamang na nagsisilbi sa 4.3 milyong overseas Filipino workers (OFWs) sa buong mundo.

“If 5 more will be deployed this year, the SWA-to-OFW ratio will increase to about 1 to 364,000. Imagine having 1 doctor or dentist for this number of people,” sabi ni Recto.

Ginawa ng senador ang panawagan matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11299, na nagbubuo sa Official of the Social Welfare Attache sa lahat ng mga bansang may maraming bilang ng mga Pinoy contract worker.

“Kulang talaga. Halimbawa, sa Saudi Arabia, per reports, dalawa lang ang social welfare attaches, for an OFW population of about 1 million,” ani Recto.

Hinakayat din nito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), na tututok sa SWAs, na isama sa 2020 budget request fund para sa pagbubuo ng mas maraming SWA item.

Dapat umanong palawakin ng DSWD ang recruitment ng SWAs kung saan pwede din nilang pag-aplayin ang mga OFW kung saan sila ipapadala basta’t makakapasa sila sa criteria at qualifying exams.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?