31

Dec 18, 2019 @ 15:13
By

Social services tututukan sa 2020 budget ng San Juan

Nakatutok sa social services ang 43.17 percent na pondo ng San Juan City government para sa 2020 budget.

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, nasa P2.554-billion ang kanilang 2020 budget base sa inaprubahan ng 6th City Council na nakalaan para sa health, education, infrastructure at environmental program.

“As promised, we will provide our constituents a sound budget that works towards a Makabagong San Juan not just for a chosen few but for all of us,” ayon kay Mayor Zamora.

Nabatid na nakakuha ang Department of Education San Juan City sa pamamagitan ng Local School Board ng dagdag na P50-million para sa 2020.

Mas palalakasin naman ng Makabagong San Juan ang pamimigay ng tulong sa pamamagitan ng Public Assistance Center na may P46-million inilaang para sa pampa-ospital, medical, burial at financial assistance.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?