226

Apr 15, 2020 @ 13:09
By

Social distancing tatagal hanggang 2022?

Posibleng umabot pa ng hanggang taong 2022 ang pagsunod natin sa physical distancing para maiwasang magkahawaan o tuluyan nang mapuksa ang COVID-19.

Ayon ito sa pag-aaral ng mga Harvard scientist matapos ang paglawak ng COVID-19 sa US.

Lumabas sa nasabing pagsusuri ng Harvard coronavirus researchers na kung hindi susundin o basta na lang babalewalain ang social distancing ay maaari pa ring manatili ang sakit at patuloy na kumalat, kaya kailangan anilang isagawa pa rin ito sa loob ng 2-taon.

“We found that one-time social distancing measures are likely to be insufficient to maintain the incidence of SARS-CoV-2 within the limits of critical care capacity in the United States,” pahayag ng lead author ng study na si Stephen Kissler.

Dahil dito, hinihikayat ng mga sumuri na praktisin na ang tuloy-tuloy na ‘paglalayo’ para maiwasan ang nasabing sakit.

“What seems to be necessary in the absence of other sorts of treatments are intermittent social distancing periods,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?