28

May 10, 2020 @ 15:32
By

Social distancing sa loob lang ng paaralan nasunod

‘Di mahulugang karayom ang dami ng mga residente na nakapila para sa ayuda ng gobyerno, sa labas ng isang paaralan sa Quezon City.

Sa kuha ni CNN Philippines journalist Paolo Barcelon, magtatanghali ngayong Linggo, makikitang nakasilong sa kada payong ang nasa 3 residente sa labas ng Barangay Pag-Asa Elementary School habang nag-aabang na makatanggap ng social ameliogration program.

Bagaman nakasuot ng face mask ay walang 1-metrong pagitan sa isa’t isa ang mga residente, na napapalibutan ng mga awtoridad. 1 metro ang bilin ng Department of Health na pagitan ng mga tao para makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.

Samantala, makikita ang magkakalayong upuan at ang mga nakaupong residenteng naghihintay para makatanggap ng ayuda sa loob ng nasabing paaralan.

Una nang tinawag ng madla ang atensiyon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte matapos masaksihan ang mahahaba at magkakatabing pila ng mga residente para makatanggap ng SAP sa Commonwealth High School, kahit pa hatinggabi na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?