33

Mar 5, 2020 @ 23:16
By

Soccer player nanugod ng fan

Sinugod ni Tottenham midfielder Eric Dier ang isang fan pagkatapos ng penalty shootout home loss ng Spurs sa Norwich.

Napatalsik sa FA Cup ang Spurs dahil sa talo.

Nakunan ng video si Dier na tumatakbo patungo sa stands, malapit sa tunnel papuntang dugout sa Hotspur Stadium.

Dahil home game, malamang na fans pa ng Spurs ang kinompronta ni Dier.

Nainsulto si Dier sa sinabi ng fan, hindi rin nagustuhan ng nakababatang kapatid ng midfielder na nakarinig sa sinabi.

“I think Eric did what we professionals cannot do but probably every one of us would do,” pahayag ni Tottenham manager Jose Mourinho.

Umiskor si Dier sa penalty shootout loss pero dalawang sipa ang tagumpay na na-save ni Tim Krul para itulak ang Canaries sa quarterfinals ng FA Cup.

“The person insulted Eric, the family was there, the younger brother was not happy with the situation,” paliwanag pa ni Mourinho.

Kita sa video na nai-share sa social media na tumatakbo patungo sa stands, nilalaktawan ang ilang rows ng mga upuan.

Nabahag din ang buntot ng fan dahil kumaripas pero hinabol siya ng 26-anyos na si Dier. Napigil ng security si Dier, pero inaasahang kakastiguhin siya ng FA (Football Association) dahil sa ginawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?