25

May 20, 2020 @ 17:28
By

Soccer player naging vendor dahil sa COVID-19

Hindi lang ordinaryong mamamayan ang tinatamaan ng coronavirus pandemic.

Mula nang magka-COVID ay naging abala na sa pagiging street vendor ang professional soccer player na si Mahrous Mahmoud, ayon sa ctvnews.

Gaya ng milyon-milyong mamamayan ng Egypt, pinakagrabe siyang apektado ng coronavirus pandemic.

Bago ang pandemic ay kumikita si Mahmoud ng US$200 kada buwan sa paglalaro sa kanyang football team.

Pero nagsara ang liga sa kalagitnaan ng Marso kaya nawalan ng main source of income si Mahmoud.

Kinailangan niya ngayong magbenta ng pancake-like pastry para mapakain ang kanyang pamilya matapos mag-implementa ang Egypt ng strict curfew at isinara ang mga tindahan, mall at iba pang establisyimento.

Sinabihan din siya ng liga na manatili muna sa bahay hanggang sa matapos ang pandemic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?