8
views

By

Soccer legend ng Argentina muntik atakehin sa puso

Sharing is caring!

Sobrang na-excite si Diego Maradona sa Argentina-Nigeria match sa Russia.

Sa videos na ipinoste sa social media, nakita ang Argentine soccer legend na inaakay palabas ng stands at lumipat sa katabing luxury box sa St. Petersburg Stadium.

Taya ang isang ticket sa knockout stage, naigapang ng Argentina ang 2-1 panalo para umusad sa World Cup nitong Martes.

Sa video, parang nakapikit si Maradona, may dalawang paramedics na umaalalay sa kanya.

Bago iyon ay nakikipagsayawan pa siya sa isang Nigeria supporter, isang lalaki ang humahawak sa kanya para marahil hindi mahulog sa kinalalagyan.

Wala agad lumabas na report kung ano na ang nangyari kay Maradona, pero makalipas ang dalawang oras ay may post ng larawan niya na kuha sa airport at nakangiti na.

Hindi rin daw alam ng stadium staff ang nangyari.

Pati ang mga staff ng Argentina Football Federation ay hindi nagkomento sa insidente maliban sa sinabing hindi pormal na miyembro ng delegation ang 1986 World Cup winner. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?