210

Nov 20, 2019 @ 12:51
By

Sobrang sakit! Oftana napaiyak sa pagkatalo vs Letran

Naputungan mang 95th NCAA men’s basketball tournament 2019 MVP si Calvin Oftana, bitin sa kanya ang pinakita nang masorpresa ng Letran Knights sa kampeonato tapos maipuslit ng huli ang pahirapang 81-79 desisyon.

Aminado at emosiyonal na humarap sa Abante TNT si Oftana upang magbigay ng kanyang saloobin mula sa kanilang patayang Game 3 Finals Martes ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“Sobrang sakit sa akin nung pagkatalo pero learning lesson siya,” aniya. “Na-short kami. Letran played well. Nandoon yung effort nila. Nandun din naman yung effort namin kaso kapos lang talaga kami. So it’s a learning lesson para sa amin and we did well wala namang sisihan sa amin.”

Inamin din niya na ‘di para sa kanila ang korona sa liga kahit na naka-18-0 eliminations sweep sila bago ang pagkakalat sa pinale kung saan naunahan pa sila bago nakahirit sa Game 2.

“It’s really for Letran talaga. They played well. Balanza, Batiller they played well specially (Finals MVP) Fran Yu.”

‘Di pa naman ito ang huling taon na maglalaro ang 6-foot-5 guard at marketing student sa Beda. Balik pa siya at reresbak aniya sila sa susunod na taon.

“Babawi kami! Alam naming babawi kami!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?