188

Mar 18, 2020 @ 22:16
By

Sobrang pagod sa bantay COVID-19: Mga pulis, sundalo sa karton na lang nahiga

Naawa ang mga netizen sa viral na litrato ng mga pulis at sundalo na sa sobrang kapaguran sa pagbabantay sa mga checkpoint ay sa kalsada na lang natulog.

Sabi sa Facebook post ni Arjhun Catada, habang nagdya-jogging siya sa Magallanes, Makati ay nakita niya ang mga pulis at sundalong nakahiga sa kalsada na karton lang ang tinutulugan.

Kaya nanawagan siya na iwasan nang mang-away ng mga frontliner at sumunod sa enhanced community quarantine.

“Habang nagjajogging ako kanina sa Magallanes, Makati nakita ko yung mga pulis at sundalo na nakahiga sa kalsada na karton lang ang tinutulugan. Tila pagod na pagod na sila. Kaya guys, tama na pagbabash sa mga frontliners natin, sumunod na lang tayo. Wag na magyabangan kung sino tama at mali. Isipin mo kung kapatid or tatay mo makita mong nakahiga sa kalsada dahil sa pagod para makatulong, ano mararamdaman n’yo. Just saying,” giit ni Catada.

Mayroon na itong 61K reactions, 8.5K comments at 48K shares.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?