24

Jan 10, 2022 @ 16:23
By

‘Sobrang maalaga!’ Beauty pangarap si Dingdong

Masaya raw ngayon si Beauty Gonzales sa paglipat sa GMA Network.

Tinupad daw kasi ng GMA ang pangarap niya na makatrabaho si Dingdong Dantes sa pagbabalik ng “I Can See You” na isang mini-serye.

“When I just moved to GMA, I was asked kung sino ang gusto kong makapareha and I said si Dingdong, now heto, wish granted kaagad so thank you talaga,” saad ni Beauty sa online media conference para sa nasabing serye.

Aniya, masaya siya dahil hindi lang isang Dingdong ang makakapareha niya kung hindi dalawa pa, dahil dalawa ang gagampanang karakter ng aktor.

“Thanks very much for the wonderful words of Dong and Direk Dominic. I feel so happy kasi I didn’t get just one Dingdong here, but two, since he plays the dual roles of Nate and Michael in the story,” pahayag nito.

Dagdag pa ng aktres, sobrang maalaga at magaling daw talaga si Dingdong bilang isang aktor.

“Thanks to GMA for giving me the chance to do this project with Dong, who is not only very maalaga but isang magaling and a very intuitive actor,” ani Beauty.

Ipapalabas ang “I Can See You” ngayong Enero 10 sa GMA Network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?