10

By

Sobrang flights, ilipat sa Clark – Alvarez

Sharing is caring!

Binigyan ng Kamara ng 45 araw ang mga airline company para ilipat sa Clark International Airport Authority ang mga sobrang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa pagdinig ng House Transportation Committee, iginiit ni Speaker Pantaleon Alvarez na panahon nang ayusin ang domestic at international terminals para hindi halo-halo.

“It’s only in the Philippines that an international terminal, we use it for domestic, and the domestic terminal we use it for international. Iayos na natin ngayon. Kaya lang naman naging ganyan before because… ‘wag na tayong maglokohan dito… ‘yung mga palakasan sa Malacañang, e hindi puwede ngayon ‘yan,” ani Alvarez.

Iginiit ni Alvarez sa Civil Aviation Authority of the Philippines at Manila International Airport Authority na huwag nang i-accomodate ang sobrang flights para maiwasan ang traffic sa runway sa NAIA.

Nagbanta ang Speaker na kung hindi susunod ang mga airline company ay babawiin ang kanilang mga prangkisa.

“We will ask the authorities na ‘wag nila payagan mag-operate and we will also consider cancellation of their franchises, violation ‘yan,” sabi ni Alvarez.

Inatasan din nito ang oversight committees ng transportation at legislative franchise na tutukan kung makasusunod ang airline companies sa 45 days deadline.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?