55
rodrigo-duterte
By

Sobrang busy! People Power anniversary ‘di dadaluhan ni Duterte – Palasyo

Walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo sa selebrasyon ng EDSA People Power Revolution sa Lunes, February 25.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na maraming trabaho ang Presidente na kailangan ang kanyang atensiyon kaya’t aasahang hindi ito makakadalo sa mga inihandang aktibidad.

Bukod dito, hindi rin aniya napag-uusapan sa Palasyo ang EDSA People Popwer celebration kaya mas malaki ang posibilidad na hindi ito dadalo sa ano mang gagawing aktibidad.

“Wala pang nababanggit. Um-attend ba siya noon last time, wala naman eh – two years nang wala. So most likely, hindi rin a-attend iyon. Maraming trabaho si Presidente. Kahapon nga eh, nagmamadali siyang tapusin, 30 minutes, kasi mayroon pa siyang lakad: Sipag!,” ani Panelo.

Matatandaang sa nakalipas na dalawang taon ay hindi dumalo sa selebrasyon si Pangulong Duterte at nasa Davao City ito.

Ang mga personalidad at politikong malapit sa dalawang administrasyong Aquino ang karaniwang nangunguna sa paghahanda para sa mga aktibidad ng EDSA People Power Revolution na nagpatalsik sa dating rehimeng Marcos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?