90

Mar 17, 2020 @ 13:51
By

Sobrang bored: Trae Young nag-‘3 point shootout’ sa bahay

Hindi na kinakaya ni Trae Young ang boredom sa kanyang bahay dahil naka-break ang NBA dahil sa coronavirus outbreak.

Kaya naman nakaisip ito ng paraan para maibsan ang pagkaburyo, at syempre’y konektado pa rin sa basketball ang kanyang ginawa.

Tila naging 3-point shootout ang set-up ng Atlanta Hawks star kahit pa medyas at lalagyan ng labada ang gamit nito,

Naging mini-court ang hallway ni Young, na shino-shoot ang mga medyas, at iisa lang ang mintis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?