By

Sobrang bonus ng GOCCs, pinasisiyasat ni Poe sa Senado

Sharing is caring!

Pinaiimbestigahan na ni Senator Grace Poe sa Senado ang natuklasang pamumudmod ng ilang government-owned or controlled corporations (GOCCs) ng sobra-sobrang bonus at allowance sa kanilang mga opisyal at empleyado noong 2016.

Inihain ni Poe ang Senate Resolution No. 547 kung saan tinukoy ang 2016 Annual Financial Report ng Commission on Audit (COA) na inilabas nitong Oktubre kung saan nakasaad na halos 620 million pesos ang ipinamudmod na bonus at allowance sa walong GOCCs.

Sinabi ng COA na hindi awtorisado ang nasabing mga bonus at allowances dahil labag sa mga panuntunan at regulasyon ukol sa limit ng mga bonus na dapat matanggap ng mga nasa GOCC.

Nangunguna sa listahan ng pina iimbestgahan ang Philippine Charity Sweepstakes Office na umanoy gumasta sa kanilang mga opisyal at empleyado ng halos P520-milyon para mga bonus, allowance, hazard pay, grocery bonus at educational assistance.

Kasunod dito ang Small Business Corporation na ahensya sa ilalim ng DTI, National Electrification Administration, Philippine Coconut Authority, National Food Authority, APO Productions na attached agency ng Presidential Communications Operations Office, Human Settlement Development Corporation at IBC 13.

Ayon kay Poe, kailangan itong bungkalin upang makasuhan ang mga responsable sa pag-abuso sa pondo ng kanilang ahensya at upang hindi na sila makaulit ngayong Pasko.

“WHEREAS, the grant of multimillion compensation and allowances was a blatant violation of RA 10149 and such practice should not continue while the government finds sources of money in implementing critical programs for the greater benefit of the public,” pahayag ni Poe. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?