140

Feb 27, 2020 @ 18:13
By

Sobrang bilis ng bibig! Loonie minani ang ‘Godzilla’ challenge ni Eminem

Naharap man sa ilang kontrobersya, hindi pa rin maitatanggi na isa si Loonie, Marlon Peroramas sa tunay na buhay, na isa siya sa pinakamagaling na rapper sa Pilipinas.

Sa kanyang Facebook video, pinakita nito na walang makakasabay sa kanya pagdating sa pabilisan ng bigkas matapos kumasa sa #GodzillaChallenge mula sa kanta ng ‘Rap God’ na si Eminem.

Sa loob ng 31 segundo, 224 salita o 330 na syllable ang binigkas ni Loonie, na ayon sa report ng Genius ay nasa 7.23 words per second ang kinaya ni Loonie.

“Eminem’s #GodzillaChallenge accepted. His record-breaking 224 words in 30 seconds!” ayon sa post ni Loonie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?