23

Jan 11, 2022 @ 13:24
By

Sobrang alala para sa pamilya: Alfred Vargas nag-senti dahil sa Covid

Sobrang nag-aalala ngayon ang aktor at pulitikong si Alfred Vargas para sa kaniyang pamilya.

Ito ay matapos niyang magpositibo sa COVID-19, napa-praning na umano siya na baka pati ang kaniyang pamilya ay mahawa.

Sa Instagram live ng aktor, pinaalam niya ang kaniyang kalagayan ngayon. Aniya, ay almost asymptomatic siya ngunit dahil sa asthma ay medyo nahihirapan ito sa paghinga.

“Almost asymptomatic, meron lang minsang breathing challenges kasi asthmatic ako,” saad ng aktor.

Aniya, hindi raw niya maiwasang mag-senti lalo pa at mag-isa siya sa kwarto habang nakatingin sa sunset.

“Nakatingin ako ngayon sa bintana namin, pa-sunset na kaya golden hour. Kapag pa-sunset na bigla akong na-se-senti. Ngayon na-se-senti ako, mag-isa ako, naisipan ko namang mag-live,” dagdag pa nito.

Saad pa ni Alfred araw-araw niyang pinagdarasal ang kaniyang pamilya na sana ‘wag namang mahawa ang mga ito.

“Sabi ko nga kay Lord, ‘Lord, okay lang kahit ako na lang. Basta ‘wag na lang sana mga anak ko atsaka ‘yung misis ko’ iyon dinadasal ko everyday,” kwento ni Alfred.

Samantala, pinasalamatan din ni Alfred ang mga tagasuporta na patuloy na nagdarasal para sa kaniyang paggaling at para sa kaligtasan ng kaniyang pamilya. (Sherrylou Nemis)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?