7

Feb 20, 2021 @ 22:16

Soberano, Lao mananatili sa NLEX

BINIGYAN ng bagong kontrata ng NLEX Road Warriors ang mga guwardiyang sina AC Soberano at Kyles Lao.

Hindi binanggit ang detalye ng kontrata ng dalawang manlalaro na hindi bahagi ng lineup ng NLEX sa nagdaang Philippine Cup bubble sa Clark.

Kilalang tirador sa three-point area ang dalawa, na inaasahang makakatulong sa kampanya ng Road Warriors sa bagong season ng PBA simula Abril.

Nagtala ng halos tatlong puntos kada laro sa kanyang rookie season ang 29th pick na si Lao sa 2018 Draft, samantalang hindi pa sumasalang sa aksiyon si Soberano mula nang mapiling 20th pick noong 2019 Draft. (Abante Sports)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?