93
so-connected
May 24, 2018 @ 20:59
By

‘So Connected’ tagumpay

Kakaiba ang So Connected dahil umikot talaga ang buong pelikula sa paggamit ng social media at kung paano nitong naapektuhan ang emosyon ng tao, lalo na sa isyu ng pag-ibig.

Magaling talaga si Direk Jason Paul Laxamana sa mga ganitong bagong tema. For sure, masayang-masaya ang Regal Films sa success ng movie dahil nagkaroon nga ito ng ‘word of mouth’ at sa pamantayan nilang makaabot ito ng P50 million gross, ay big hit na ito at tunay na blockbuster.

“Uy, at least sina Mother Lily Monteverde at Ms. Roselle, hindi naniniwala sa padding ng earning noh! Pag hit ang movie nila, hit talaga at hindi ‘yung nagmamalaking hit, pero puwede kang maglaro ng basketball sa loob ng sinehan,” sey ng isang mataray na kilig na kilig sa So Connected movie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?