114
snooky-serna
By

Snooky sobrang happy sa piling ng dyowang politiko

Sharing is caring!

Obvious na happy pa rin si Snooky Serna sa relasyon nila ni former Bulacan Vice Governor Ramon Villarama dahil blooming siya nang makita namin sa press launch ng bagong primetime series ng GMA 7, ang ‘The One That Got Away’.

Hindi masasabing ang boyfriend niyang si Ramon ang TOTGA ni Snooky dahil ang nangyari nga sa kanila, dedma ang actress noong araw sa dating politician at lately nga lang sila nagkita uli at nagkaroon ng relasyon.

In fairness din, mukhang good influence rin si Ramon kay Snooky dahil mukhang mas maayos na ang buhay ngayon ng actress. Malayong-malayo na nga si Snooky sa image niya noon na parang laging problematic.

Wala na rin ‘yung mga intriga kay Snooky na nagigipit sa pera dahil natuto na rin siyang mag-ipon ngayon. Noon kasi, gastadora si Snooky, pero dahil daw kay Ramon, natutong mag-ipon ang aktres.

Ang dinig din namin, pati ang pamilya ni Snooky ay boto sa kanyang boyfriend ngayon!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?