0
views

By

Snooky, Gloria ilalampaso sa aktingan si Jasmine

Sharing is caring!

Kaya naman pala hindi sinama sa cast ng Victor Magtanggol si Jasmine Curtis-Smith dahil kasama siya sa malaking cast ng aabangan na teleserye sa GMA-7 na Pamilya Roces.

Naganap na ang story conference ng naturang teleserye noong nakaaang July 11 at kinabibilangan ito ng mga Kapuso stars na sina Carla Abellana, Gabbi Garcia, Rocco Nacino, Christian Bautista, Shaira Diaz, Mika dela Cruz at Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen ‘Winwyn’ Marquez.

Kasama rin ang veteran actors na sina Roi Vinzon, Snooky Serna, Elizabeth Oropesa at Gloria Diaz. Mula ito sa direksyon ni Joel Lamangan.

“It’s an overwhelming welcome but in a positive note.

“Kasi hindi naman nila ako basta-basta lang pinapirma, tapos pinasok sa isang project na available diyan. Talagang they waited na may maganda silang project.

“Hindi naman ito crafted especially for me, ayoko mag-assume. Pero ‘yung tipong hinintay nila na ipasok ako sa magandang proyekto tulad ng mga kasama ko. It’s overwhelming pero ‘yung tipong masayang type,” diin pa ni Jasmine.

Mapapasabak nga raw si Jasmine sa mga mabibigat na eksena kasama ang mga veteran actor ng industriya.

“Matindi ‘yung storya niya. Paikot-ikot siya, and even kami, there were some parts sa AVP na totally hindi namin ‘yun nakita.

“It’s exciting kung paano rin magre-react ang viewers, kasi if the cast itself can feel this, what more ‘yung viewers?” pagtapos pa ni Jasmine. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?