336
ABANTE TNT snipers nazareno prusisyon quiapo
Jan 8, 2018 @ 14:12

Snipers ipoposisyon sa prusisyon ng Nazareno

Maglalagay ng mga snipers sa matataas na gusali sa Quiapo bilang dagdag seguridad sa gaganaping traslacion ng Itim na Nazareno bukas, Disyembre 9 .

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PDir. Oscar Albayalde sa UNTV, nagpakalat na rin ang Philippine National Police (PNP) ng dagdag na puwersa na 5,600 tauhan para sa prusisyon.

Isang batalyong sundalo rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang magbabantay sa traslacion.

Ide-deploy din ang mga miyembro ng PNP Special Action Force, SWAT, at mga kagawad mula sa explosive and ordinance division.

Tutugon din ang may 23 medical stations, 65 ambulansiya, at 15 rescue boats para sa mga nangangailangan sa paligid ng Quiapo.

Kasado na rin simula ngayong araw, Disyembre 8 hanggang Disyembre 10 ang liquor at gun bans.

Parte rin ng security measures sa taunang prusisyon ang no-fly zone sa Maynila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?