164

By

Sniper rifle na ginamit sa pagpatay kay Hapilon, isosoli sa China

Sharing is caring!

Bilang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob, ibabalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China ang sniper rifle na nakapatay sa ISIS emir sa Asya na si Isnilon Hapilon na nanguna sa pagsalakay sa Marawi City noong Mayo.

Sa opening statement ng Pangulo sa bilateral meeting nila ni Chinese Prime Minister Li Keqiang sa Malacanang, ipinabatid nito na isa sa mga donasyong sniper rifles ang umutas sa buhay ng notorious terrorist leader .

Pinasalamatan ng Pangulo ang China dahil sila ang unang tumugon nang magpasaklolo ang Pilipinas dahil sa bakbakan laban sa mga terorista sa marawi City.

Ang nakapatay na sniper rifle kay Hapilon aniya ang magsisilbing simbulo at para malaman ng mamamayan ng China ang naging maagap na pagtulong ng kanilang gobyerno sa Pilipinas.

“During the critical stage of the Marawi incident, where we needed help badly, it was China who responded immediately to our cry for help. And the arms that you gave us helped abbreviate, shortened the military fight there with the effective use of the weapons.

And I am happy to report to you that one of the rifles that you gave us killed Hapilon, was the leader or the emir that they named in the Philippines.So maybe I will look for the soldier who fired the fatal shot and I am going to return to you the rifle so that the Chinese people knew or would know that it was critical.

It’s a symbol of the critical help, the crucial moment when we needed most and there was nobody to help us at that time,” pahayag ni Duterte.

Kasabay nito, muling ipinaabot ng Presidente kay Chinese President Xi Jinping ang pasasalamat sa lahat ng mga magagandang nagawa at naitulong sa bansa , at dahil wala pang kakayahang suklian ang mga ito sa ngayon ay tiyak na magagawa sa mga darating na araw. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?