152
stephen-curry
Mar 4, 2018 @ 13:11
By

Sneakers ni Curry ipapasubasta para sa My Brother’s Keeper

Sa first half ng 109-101 win ng Golden State laban sa Washington noong Feb. 28, nagsuot si Warriors guard Stephen Curry ng sapatos na puno ng mensahe para sa My Brother’s Keeper Alliance.

May nakasulat na “I can do all things” sa gilid ng black-and-white Under Armour sneakers na may logo ng MBK Alliance, isang organisasyon para matulungan ang “young men and boys of color” na magtagumpay sa kani-kanilang larangan.

Ang sapatos na iyon ni Curry, ipapasubasta na niya at ang mapagbebentahan ay ido-donate niya sa MBK Alliance.

Matagal nang kabahagi si Curry sa organisasyon. Sa Instagram, mahaba-haba ang mensahe ni Curry. “The inspiration for the shoe I’ll be playing in today is every boy and young man of color in this country that need to know they matter – to their communities, their country, to me,” aniya.

“Four years ago this week, the @mbk_alliance was created to reduce barriers and expand opportunity so nothing stands in the way of everyone achieving their biggest dreams. I’ve been proud to be part of that mission from day one, and I’ll never stop being my brothers’ keeper. I will auction these shoes and donate the proceeds in support of this critical movement.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?