50

By

Snatcher, tiklo sa iPhone6

Sharing is caring!

Naghihimas ngayon ng malamig na rehas ang isang lalaki matapos nakawin ang iPhone6 na cellphone ng isang estudyante sa Recto Avenue cor. Legarda St., Sampaloc, Manila.

Nakilala ng mga awtoridad ang suspek na si Mark Eballar, 32-anyos at residente ng F. Varona St., Tondo, Manila.

Kuwento ni PO2 Mark Anthony Taay ng Manila Police District Station 4, sakay ng jeep at pauwi na sana ng kanyang bahay ang biktima na si Gabriel Anne Yabut nang bigla na lamang hablutin ng magnanakaw ang cellphone nito.

Agad na pumara ang biktima at hinabol ang suspek habang sumisigaw ng ‘magnanakaw, magnanakaw’ na siya namang narinig ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau na nagpapatrolya sa lugar.

Nahuli ang suspek makaraang positibong kilalanin ng biktima na patakas na sana papunta ng Divisoria.

Depensa naman ni Eballar, wala siyang ninakaw na cellphone at napagbintangan lamang siya.

Sa kasamaang-palad, hindi na narekober ang cellphone ng biktima.

Kasong robbery snatching ang kinahaharap ngayon ng suspek. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?