34

Feb 18, 2021 @ 16:00
By

Snatcher ng cellphone tumba sa pulis, 1 pa arestado

Nasawi matapos umanong manlaban sa mga pulis ang isang magnanakaw ng cellphone sa Malate, Manila, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang napatay na suspek na si Joshua Mansal, 20, habang nadakip ang kasabwat niyang si Delber Sta. Rita, 21, kapwa sila residente ng Tondo.

Ayon sa ulat, naglalakad ang isang Andrea Ferrer, 18, sa Capitan Ticong Street nang dakmain ng dalawang suspek na nakasakay ng motorsiklo ang kanyang cellphone saka tumakas patungong Dagonoy Street.

Hinabol ng mga bystander ang motorsiklo matapos sumigaw ang biktima ng “snatcher!”

Dahil sa habulan, nawalan ng kontrol sa motorsiklo ang mga suspek at sumalpok sa isa ring motorsiklo.

Tumakbo patakas sina Mansal at Sta. Rita at iniwan ang kanilang sasakyan ngunit nakorner sila ni Police Corporal Symon Marasigan.

Akmang may ilalabas umano si Mansal mula sa kanyang sling bag habang sinubukan namang nakawin ni Sta. Rita ang baril ng pulis.

Nagpambuno sila kung saan naputukan sa ulo si Mansal na agad niyang ikinasawi habang naaresto ang kasama niyang si Sta. Rita.

Narekober sa mga suspek ang anim na cellphone.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?