jail5
By

Snatcher, buking sa tambayan

Sharing is caring!

Nasakote ang isang cellphone snatcher sa Marikina matapos itong pasimpleng sundan ng kanyang nabiktima hanggang sa tambayan.

Nahaharap sa kasong robbery snatching ang suspek na si Jerus Levin Macaoas y Barrameda, nasa hustong gulang at kasalukuyang nakakulong ngayon sa Marikina detention cell.

Batay sa report, naganap ang insidente bandang alas-3:30 ng hapon sa Santan St., sakop ng Barangay Fortune, makaraang hablutin ng suspek ang Oppo cellphone ng biktima na si April Ann Delorino y Cristobal.

Nagawang habulin ng biktima ang suspek na hindi nito namamalayan na nakasunod pala ang kanyang nabiktima at nang pagsapit sa isang tindahan ay doon na nagpahinga ang suspek.

Nang makatiyempo ay agad na nagtungo si Cristobal sa Barangay Fortune hall at inireklamo ang suspek at dito na dinampot ang nakaistambay na suspek makaraang magsampa ng reklamo ang biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?