51

Feb 28, 2020 @ 19:58

Snack ni Manuel halagang P50K

Isang linggong suspendido at walang bayad si Vic Manuel dahil sa paglalaro nang walang paalam sa PBA at sa kanyang mother team na Alaska Aces sa ligang labas sa Laguna.

Hindi muna pinatawan ng PBA na P50,000 multa ang Alaska power forward pero nang matanong ang player na ano ang maaari nitong gawin sa nasabing halaga ay nakakagulat ang tugon niya.

“Kung hindi mo gagamitin sa pambayad ng fine yung P50K, saan mo ito gagamitin ‘yung ganung kalaking pera,” tanong ni Abante Sportalakan host Sarah Jireh Asido kay Manuel sa ikalawang araw ng PBA Media Day kamakalawa sa Okada Manila.

Birong sagot ni Manuel: “Hala malaki na ba ‘yun?”

Dugtong pa nito, “Allowance sana, pang-gas everyday saka pang-snacks.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?