20

Jun 21, 2021 @ 16:55
By

Smuggled sibuyas naharang sa Subic

Naharang ng Bureau of Customs (BOC) ang mga kontrabandong sibuyas sa Subic Bay Freeport.

Ito ang inanunsyo ng BOC nitong Linggo, kung saan nagkakahalaga umano ang mga sibuyas ng P9 milyon.

Dumating umano sa pantalan ang mga kontrabando noong Mayo 29 at idineklara bilang sariwang yellow onion.

Ngunit matapos ang inspeksyon, napag-alamang pulang sibuyas pala ang laman nito.

Bukod dito, wala rin daw sapat na papeles gaya ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearance mula sa Bureau of Plant Industry ang consignee ng mga sibuyas.

Dahil dito’y nahaharap sa kasong smuggling ang consignee ng mga kontrabando.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?