By

Smuggled na bigas, i-donate na lang sa NFA – solon

Sharing is caring!

Hinikayat ni AGRI Partylist Rep. Orestes Salon si Pangulong Rodrigo Duterte na i-donate na lamang sa National Food Authority (NFA) ang P68 milyong halaga ng nakumpiskang smuggled rice para maibenta ito sa murang halaga sa consumers.

Ginawa ni Salon ang pahayag matapos masamsam ng Philippine Navy ang mahigit 27 libong sako ng bigas mula sa Vietnam sa dayuhang barko sa Zamboanga Sibugay noong Sabado.

Iminungkahi ng kongresista na maglabas ang Pangulo ng executive order na nag-aatas sa NFA na ibenta ang mga bigas sa murang halaga.

“Given that the NFA’s supply of cheap rice is at a dangerously low level, maybe the President can issue an executive order mandating that the NFA resell seized smuggled rice at lower prices,” ayon kay Salon.

Gayundin, dapat aniyang maglagay ng monitoring system para matiyak na hindi ihahalo ng mga negosyante sa commercial rice ang smuggled na bigas.

Sabi ni Salon, bagama’t “stop-gap” solution lamang ito, malaking pakinabang ito sa mahihirap na Filipinong umaasa lamang sa NFA rice.

Kasabay nito’y nanawagan ang kongresista sa gobyerno na gawing prayoridad ang pagpapabuti ng agricultural production at pagsuporta sa lokal na mga magsasaka para matigil na ang smuggling ng bigas at iba pang agricultural products.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?