369

Feb 20, 2018 @ 19:35
By ,

Smoke belching na MMDA vehicle, viral sa socmed

Inuulan ngayon ng batikos sa social media ang MMDA dahil sa kumakalat na video ng isang service vehicle ng ahensiya na nagbubuga ng maitim na usok.

Ang video post ng isang Moises Meman sa kanyang Facebook account noong nakaraang linggo ay ilan daang beses na rin na nai-share.

Mapapanood sa 20-second video ang sasakyan, na isang Coaster at may plakang SEK 769, habang binabagtas ang Kalayaan Avenue sa Makati City patungo sa direksiyon ng EDSA.

Kapansin-pansin na sa tuwing aarangkada ang sasakyan ay lumalabas sa tambutso nito ang maitim at makapal na usok.

Hinihiling ng mga netizens sa MMDA na ipaayos ang kanilang service vehicle at magsilbi silang modelo sa ipinatutupad nilang anti-smoke belching campaign.

Aktibong miyembro ang MMDA ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) na istriktong ipinatutupad ang ‘Tanggal Bulok, Tanggal Usok’ campaign sa mga sasakyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?