16

Jan 26, 2021 @ 21:19
By

Smith inalala si ‘Black Mamba’

Isang taon na mula nang pumanaw ang NBA star na si Kobe Byrant dahil sa isang helicopter crash sa bulubunduking bahagi ng Calabasas, California.

Hanggang sa ngayon, marami pa rin ang hindi makapaniwala na wala na ang superstar ng Los Angeles Lakers.

Isa si Los Angeles guard JR Smith sa umalala kay ‘Black Mamba’.

Ayon kay Smith sinayang niya ang pagkakataon noong sila’y nagkakasama pa sa loob ng court ni Bryant.

Ilang beses nitong nakaharap si Black Mamba noong ito’y aktibo pa sa liga.

“Thought i was going to play against you forever, ” sabi ni Smith sa kanyang Instagram post kung saan makikita ang larawan nilang dalawa habang nasa laro.

Ilang buwan matapos pumanaw si Bryant kasama ang kanyang anak na si Gianna ay naging parte na rin ng Lakers si Smith.

Kwento ni Smith, laging binubuhay ng team ang alala ni Bryant.

“His name comes up every single day. We chant his name after every break, after every huddle,” aniya.

“We always speak of his memory. We speak of his mindset, how we can attach that to our team as individuals to collectively come together for this one common goal that we’re all trying to strive to get.” (Sarah Jireh Asido)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?