61

Jul 23, 2019 @ 0:08
By

Smith, Blackwater babawi sa Game 2

Sa pamamagitan ng malayong 3-pointer ni Rey Nambatac sa final seconds ng laro, naitakas ng Rain or Shine ang 83-80 win laban sa Blackwater sa Game 1 ng kanilang PBA Commissioner’s Cup quarterfinals showdown noong Sabado sa Mall of Asia Arena.

Nakauna sa best-of-three, may dalawang tsansa ang No. 6 Elasto Painters para sipain ang No. 3 Elite at bumiyahe na sa best-of-five semis.

Una mamayang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Pakiramdam ni coach Caloy Garcia ay sinuwerte lang sila sa opener kaya nanalo.

“It was a lucky win,” aniya. “I felt talo na, eh.”

Nagtuhog ng 11 points sa final 1 ½ minutes ang Painters para itakbo ang panalo.

Sa kabilang banda, aminado ang counterpart ni Garcia na si Aris Dimaunahan na malaking bagay ang inexperience ng kanyang team sa playoffs kumpara sa Painters.

“First time namin together (sa playoffs),” paliwanag ng Elite coach. “There are some guys who’ve played in the playoffs like Allein Maliksi, Mike Cortez. But as a whole, this the first time we play in this kind of a series.”

Kailangan anilang siguruhin na huwag bumitaw hanggang final buzzer.

“We have to do a better job on closing quarters and closing games,” ani Dimaunahan. “’Yun nga, 1 minutes 32, they scored 11. I think that’s on me, being their leader, and we will hope to bounce back on Tuesday.”

Ang balik-import ng Blackwater na si Greg Smith, mukhang nanibago sa kanyang debut at nagkasya lang sa 2 of 11 shooting tungo sa 16 points, may 19 rebounds.

“I believe in this team, I believe in me. Back to practice, back to scouting and get ready for the next game,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?