75

Dec 5, 2019 @ 14:14
By

SMC Pres. Ramon Ang unang Pinoy sa Bloomberg 50 list

Patuloy ang pag-angat ng business magnate na si Ramon S. Ang na napabilang ang pangalan sa Bloomberg 50 list, ang kauna-unahang Pinoy na nakasama sa nasabing listahan.

Sa paglalarawan ng Bloomberg kay Ang, nagawa nitong i-expand ang San Miguel Corpration, na sampung taon ang nakararaan ay tanging kilala sa food at beer industry.

Ngayon, sa ilalim ng pamumuno ni Ang bilang President at CEO, ay napasok na rin ang ilang business sa electricity, langis at mga construction firm, ngunit nananatili pa rin ang pamamayagpag nito sa beer industry.

Sa ngayon ay nakikipagtulungan ang SMC sa gobyerno para makapagpatayo ng mga impraistruktura na makakatulong sa problema sa transportasyon sa Pilipinas.

Punong-abala ang San Miguel sa pagtatayo ng Metro Rail Transit-7, na tatakbo mula San Jose del Monte, Bulacan patungong North Avenue.

San Miguel Corporation din ang mangangasiwa sa itatayong New Manila International Airport sa Bulakan, Bulacan.

Kasama ni Ang sa nasabing listahan ang iba pang leader sa kani-kanilang larangan tulad nina celebrity influencer Rihanna, Disney international relations chairman Kevin Mayer at decorated gymnast Simone Biles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?