64

Jul 13, 2021 @ 12:20
By

SMC nagdagdag premyo sa Olympic medalist

Nangako si San Miguel Corporation (SMC) President Ramon S. Ang ng karagdagang premyo sa mga atletang Pinoy na makakapaguwi ng medalya sa 2020 Olympics sa Tokyo.

Ayon ito kay Philippine Olympic Committee (POC) President Bambol Tolentino.

Aniya, P10 milyon ang ibibigay ng SMC sa gold medalist, P5 milyon sa silver at P2 milyon sa maguuwi ng bronze.

Kaya naman ngayon ay umabot na ang kabuuang premyo sa P30 milyon sa gold medalist, P15 milyon sa silver at P6 milyon sa bronze.

Ang ambag ni Ang ay kasunod nang unang ibinigay ng MVP Sports Foundation ni Manny V. Pangilinan at ng premyong mula sa pondo ng gobyerno. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?