125

Nov 3, 2017 @ 12:13

SMC, MVP teams hati kay Narvasa

May krisis na sa Philippine Basketball Association na pinag-ugatan ng San Miguel Beermen-KIA trade sa nakalipas na Biyernes, naglagak kay top pick Christian Standhardinger sa Beermen at ng tatlong SMB players+2019 first round pick sa Picanto.

Sumambulat kahapon sa PBA Board of Governors special meeting sa UCC Café sa Bagumbayan, Libis, Quezon City ang di pagkakasundo ng San Miguel Corp.franchises at MVP Group teams.

Inindiyan San Miguel, Ginebra at Star kasama ang mga kakamping KIA at GlobalPort ang tinawag nilang hindi awtorisadong pulong dahil sa salungat na pitong araw na palugit. Nitong Oct. 30 lang iniabiso ito.

Binutata ng SMC ang pinangungunahan ng TNT KaTropa, Meralco at NLEX ang pagsipa kay Chito Narvasa bilang PBA commissioner at pag-upo kay Rickie Santos bilang kapalit niya.

“They cannot just act on a whim. What they are doing is not in accordance with our by-laws and constitution. All five teams – San Miguel, Ginebra, Star, Kia and GlobalPort – stand behind Commissioner Narvasa. He enjoys our full support and we have prevailed upon him to stay and do what is right,” pahayag ni SMB Gov. at dating PBA chairman Robert Non.

Giniit niyang illegal ang hakbang ng MVP group na mapatalsik si Narvasa at ipalit si Santos dahil sa aniya’y hindi naabot ang kailangang 2/3 votes ng 12 teams para humirang ng bagong kumiyuner ang liga.

Tinawag din ni Non, na ‘renegade’ ang tatlong MVP teams pati ang mga kapanalig nitong Alaska, Blackwater, Phoenix at Rain or Shine.

“These officials do not constitute the majority needed to remove or appoint the commissioner and thereafter, make any changes in the PBA structure, “ aniya pa. (Clarence Cortez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?