30

Jun 22, 2022 @ 12:17
By

SMC hahawak sa SBP? Sey ni Chua: ‘Paghahaluin lang mga utak’

Mariing itinanggi ni San Miguel Corporation (SMC) sports director Alfrancis Chua na ang kanilang kompanya na ang hahawak sa pamunuan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Umugong ang bali-balitang SMC na ang hahawak sa SBP matapos makipagpulong sina Chua at Ramon S. Ang sa mga big boss ng MVP Group na sina Manny V. Pangilinan at Al Panlilio. Sa kasalukuyan, ang MVP ang may hawak sa SBP.

Sa panayam sa awards night ng PBA Press Corps nitong Martes, nilinaw na ni Chua ang naturang isyu.

“Walang ganung usapan,” wika ni Chua, na tinanghal na PBA Executive of the Year sa nagdaang season. “We are going to help hand in hand and then siguro ‘yung utak nila at utak namin, paghahaluin para mas gumanda.”

“Chairman Ricky (Vargas) asked my boss if I can help. Sabi ko, dami ko nang ginagawa. Pag-alis niyo nga [ng meeting] papatayin ko ilaw, maglilinis pa ako ng lamesa. Sinabi ko ‘yun kaharap si MVP,” dugtong pa ni Chua.

“Kung ano ang kaya nating i-chip in, bakit hindi. Kapag may tatanungin sila na baka sakaling makatulong tayo, tutulong tayo. Ngayon, kung cheering squad lang tayo, wala ring problema. Buhay natin ‘to. Basketball. Kung ano ang maitutulong natin sa Pilipinas, bakit hindi,” aniya.

Ang Pilipinas ang isa sa mga host ng 2023 FIBA World Cup, at ginarantiya rin ni Chua ang suporta ng SMC sa Gilas Pilipinas.

“Again, I’m going to repeat again. Ayaw magpahiram, apat na taon na daw hindi nagpapahiram. Bakit si June Mar at Mo Tautuaa nasa SEA Games,” said Chua. “It’s a matter of sino ang pipiliin nila. Kaming lahat magpapahiram … Magpapahiram lahat. Walang ganun sa PBA na hindi magpapahiram,” wika pa ni Chua.

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?