59

Mar 10, 2020 @ 15:51
By

SMC gusto nang bayaran ang P22.7B sa Ilijan power plant

Inalok na ni San Miguel Corp. president Ramon S. Ang na bayaran ng mas maaga ang P22.7 bilyon para sa capacity charges sa 1,200-megawatt na Ilijan power plant sa pamahalaan kahit pa sa 2022 pa ito dapat mabuo.

Sa isang pahayag, sinabi ng SMC gagawin nito ang maagang pagbayad para makatulong sa pamahalaan habang dinidinig pa sa korte ang pagtatalo nito at ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM) sa pagkwenta ng bayarin.

Sabi ng SMC, sumulat na si Ang sa PSALM para pormal na ipahayag ang alok nitong agahan ang pagbayad ng receivables na tinuturing ng PSALM na overdue.

“Right now, the best and quickest way we can do this ahead of a decision on our case is to fully pay the P22.6 billion remaining balance in capacity charges,” ayon kay RSA.

SMC ang may-ari ng South Premiere Power Corp. na nagpapatakbo ng Ilijan Power Plant nang napanalunan nito ang bidding para dito sa halagang $870 milyon.

Base sa original na kontrata ng SPPC, babayaran nito ang PSALM buwan-buwan para sa capacity fees at generation fees.

Pagkatapos ng kontrata ng SPPC sa PSALM, aabot na sa P392 bilyon ang mababayaran nito na doble na ng bid nito. Mahahati sa P97.5 bilyong monthly capacity fees at P294.7 bilyon na generation fees ang kabuuang P392 bilyon.

Sa katapusan ng Enero 2020, umabot na sa P240.7 bilyong generation charges at P73.9 bilyong capacity fees ang nabayaran ng SPPC.

Dagdag pa ng SMC, P40 bilyon lang ang halaga na pagtayo ng bagong planta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?